Wednesday, July 13, 2011

Bantayog ng UP


"Bantayog ng UP"

Hindi ko pinangarap magkakaganito
'sang makasaysayang bantayog na bato,
nagkakataon lang kami'y napaparito
kaya't "posing" ko ay bigay todo-todo.

Maliban sa akin marami pang iba
nagbabasakaling makunan din sila,
iba'y nag pumilit at nag-anyaya
kunan daw ng buo itong statuwa.

May namumuong kwento sa 'di nakakaalam
ang bagay na 'toy malimit pagpasyalan,
may lihim na konti ang nakakaalam
ang modelo nito'y kay FPJ'ng angkan.

Friday, October 22, 2010

Sa Batis


Sa gitna ng kabukiran sa bayan ng Sergio OsmeƱa ay matatanaw ang mala sawang batis na dumadaloy ang malilinis nitong tubig na siyang nagsisilbing isa sa mga tributaries ng ilog ng Dipolog City. Mamamalas din ang malalagong talahiban na siyang bumabalot sa mga nagsikalbuhang bundok na walang kasing gandang umuungos sa maaliwalas na langit. Taglay nito ang lamig ng simoy ng hangin na walang humpay ang paghampas sa mga halamang bukid na nagbibigay ingay sa bawat ikot ng iyong paningin. Maririnig mo ang kalunos-lunos na lagunlong ng tubig na tumatagos sa pagitan ng talampas at bato. Tanging habal-habal lamang at nag-iisang maliit na bus ang nagsisilbing sasakyan ng mga taga bukid patungong bayan at siya ring tagapaghatid ng kanilang sariwang ani.

Friday, May 21, 2010

Dipolognon


Dipolog City is a beautiful city in the northwestern part of the Zamboanga Peninsula.

Sunday, December 21, 2008

Dapitan City Boulevard

Dapitan City in the province of Zamboanga del Nortemis just 15 kilometers from Dipolog City. This small City is emerging as Tourist Destination in the Zamboanga Peninsula.

Wednesday, December 17, 2008

Dipolog City - Namamangka


Ganito kami noong kalagitnaan ng 4Ps validation of beneficiaries. Isa lamang ito sa mga tanawin na nag-papatunay na "kahit ilang dagat ay aming tatawirin" mapag-silbihan ka lamang.

Ang karagatang ito ay nasasakop sa bayan ng Baliguian, Zamboanga del Norte. Isa sa labing tatlong bayan na nasasakopan ng Pangtawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD. Mahigit walong barangay ng Baliguian ay nasa dalampasigan at tanging bangka lamang ang siyang ginagamit para marating. Subalit mayroon namang daan patungo sa mga lugar na ito ngunit bihira lamang ang sasakyan maliban sa tinatawag nilang "habal-habal" motor single.

Ang grupong ito ay patungong Diculom, sa linis ng tubig ay matutunghayan namin ang mga lamang dagat na malagong tumutubo sa ilalim ng tubig.

Dipolog City - Island in Baliguian


Turn and become like a little child again. Look out upon life as though you had never seen it before Let every sunset be the first sunset you ever saw, and every sunrise be the beginning of a new day of miracles. Live and enjoy every experience.